Binuksan ni Lance ang radyo habang nag-didrive, mas lalong kinabahan si Jaizel ng marinig ang tugtog, favourite love song niya iyon at kinakanta ng lalaking maganda ang boses, ang alam niya babae ang original singer ng kantang iyon. “Ang ganda ng kanta noh? I sung that during my sister’s birthday without knowing that they recorded it and gave it to me after. I really kept it and pinapatugtog ko sa kwarto ko at sa kotse ko. Jaiz, ikaw? Ano ang favourite song mo?” sabi pa ni Lance, nagulat si Jaizel dahil ang alam niya, na-iinsecure si Lance kapag kumakanta o di kaya ay nag-dadrawing. Pero hind na sia sumagot, sa halip ay kinuha niya ang cellphone niya at nag-text sa kanyang Kuya, “Bkt cya ang pnasundo m sa akn? “ Hindi nag-tagal ay nag-reply din ito, “Hw do u lyk it? I hope ur having a gud tym. Sorry, pinlano q tlga ito.” Sagot naman niya “Kuya, I hate hm! Wla akong planong magka-gus2 ulit sa kanya. Pro I’ll take dis chance na kaibiganin cya.” Sagot naman niya, somehow, inher good side, may nag-sasabing dapat niyang bigyan ng chance ang kanyang sariling maging kaibigan ang lalaki. “Ok thanx! Datz my sis, gus2 din nyang bumawi nung napag-kamalan ka niyang katulong.” Sagot din ni Joewheen, ngumiti ng kaunti si Jaizel at saka hinarap si Lance. “Sorry ha! Naging masungit ako sa’yo kasi naman kayo padalos-dalos, imagine pinagkamalan mo akong katulong! Sino ba naman ang hindi magagalit sa inyo?” sabi pa niya “Sino ba yung nag-text sa’yo? Anghel? Bakit ka nag change of mood, okey lang naman sa akin na magalit ka kasalanan ko din naman.” Sagot pa ni Lance “Ok na talaga, si Kuya ang nag-text. Nag-sorry lang siya.” Sagot naman niya, hindi na naka-sagot si Lance dahil nakarating na sila sa Mall at una silang bumili ng T-shirt para sa kanyang kapatid at T-shirt din para sa kanya. Balak niya sanang bilhan din si Lance bilang Peace-Offering Gift pero nag-dadalawang isip pa siya, may nakita din siyang mgandang sun visor at balers kaya bumili din siya ng mga ito. Pagkatapos nilang mamili ay pumasok sila sa isang Coffee Shop at doon umupo at uminom ng kape. “I think, we need to start from the very beginning, can we introduce ourselves formally at maging magkaibigan tayo katulad ng pagkakaibigang ibinigay mo sa mga kapatid ko. Hi! I’m Lance, and you are?” sabi pa ng lalaki “I’m Jaizel.” Maikling sagot niya na may ngiti sa kanyang labi.
Doon nga nag-simula ang mabuti nilang pagkakaibigan.
Papalabas si Jaizel sa kanilang bahay, balak niyang mag-lakad lakad dahil naiinip na siya sa kanilang bahay, nasa Maynila ang kanyang mga magulang habang ang Kuya naman niya ay pumunta sa Davao. Sa makalawa pa sila uuwi. “Hi! Jaiz, saan ka pupunta?” tanong pa ng boses na nanggagaling sa kanyang likuran, alam na niya na boses iyon ni Lance “Maglalakad lang, boring kasi sa bahay. Walang tao, wala rin ang mga kaibigan ko.” Sabi pa niya “Gusto mo, samahan na kita, “Wala din sina Mommy nag-punta sa Mactan ako lang ang naiwan sa bahay.” Sagot naman ng lalaki “Sige, sumama ka wala namang problema, sa dalampasigan ang punta ko, tapos dadaan akong simbahan baka kasi nandoon yung mga ibang kaibigan ko, Okey lang ba sa iyo?” sabi pa niya “Siyempre naman, pero hihingi sana ako ng pabor, pwede bang ipakilala mo ako sa kanila ng maayos bilang kaibigan mo at hindi bilang kaibigan ng Kuya mo?” sabi naman ng lalaki “Sige, sorry nga pala doon sa inasal ko sa’yo sa school. Ayaw ko lang kasing sumama sa ibang lalaki maliban sa Kuya ko at sa Best Friend ko. Ayam ko rin na tinutukso, ang mga bibig kasi ng mga kaibigan ko medyo may kalakihan.” Sagot naman niya “Okey lang yon, ikaw pa. Malakas ka sa akin.” Sagot naman niya, patuloy silang nag-lalakad hanggang dumating sa dalampasigan. Doon lang sila nag-kwentuhan habang tinitingnan ang dagat, kinakabahan parin si Jaizel. Hindi niya alam kung bakit basta ang alam niya malakas ang tibok ng kanyang puso at masaya siya. “Kuya, saan naba yung mga kaibigan mo? Hindi ko na sila nakikita ah.” Sabi pa ni Jaizel “Sina Carlo ba? Umuwi na sila sa Maynila. Nag-aaral pa kasi yun sila, dinalaw lang nila ako dito. Namimiss daw nila ako, pero yun umuwi rin may mga girlfriends ang mga iyon at palagi narin silang kinukulit na umuwi. Jaiz, can I ask a favour?” sabi pa ni Lance “Ahh, iniwan ka na nila. Anong pabor ang gusto mong hingin?” sagot naman niya “Please don’t call me Kuya, I’m only three years older than you at ayaw kong mag-mukhang matanda.” Sabi pa niya, tumawa lang sila “Sige na nga, Lance na ang itatawag ko sa’yo” Sagot naman niya. Tumulak na sila sa simbahan at tuwang-tuwa si Jaizel ng malamang dumating na pala ang kanyang mga kaibigan galing sa seminar na sinalihan nila. “Jaiz, may kasama kang lalaki? Milagro! Ipakilala mo naman kami ang gwapo niya., familiar ang mukha niya! Para siyang si…… sino nga ba yung crush mo noon na Tennis player—“ putol na sabi ni Jocel, sasapawan sana niya ang babae pero madaling nakapag-salita si Aria, “Her long time love, si Lance Chiong!” sigaw pa niya, namumula na siya dahil sa kahihiyan. Pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang i-harap kay Lance, pero nilakasan niya ang kanyang loob at kahit na kinakabahan siya ay pinilit niya paring mag-salita. Pero nakita niya si Lance na nagulat pero nakangiti parin. “Ahhm guys, listen! Past is past diba? And hey! I would like to introduce to you my new friend, Lance Chiong.” Gulat ang lahat pero tumatawa parin lalo na si Lance at ang ibang mga lalaki. “You mean? Your Lance the Tennis Player and the Hero of your Partnership with someone named… Michael?” sabi pa ni Warren “Yeah, pero noon yun! I leave it already, hindi na ako sporty guy, nag-iba na ako. Nice meeting you all pala at salamat sa binigay niyong impormasyon sa akin.” Sagot naman niya, hindi na naka-tiis si Jaizel at dali-dali na siyang umalis, hindi siya napansin ng mga tao dahil busy ang mga ito sa pakikipag-kwentuhan sa kanyang kaibigan.
Pagkatapos ng nangyari ay hindi na nagpakita si Jaizel kay Lance, hindi na siya palaging nas bahay, sa paaralan nalang siya pumupunta, hindi narin siya nag-lalakad sa kanilang village o pumupunta sa dalampasigan. Hindi niya sinasagot ang tawag ng lalaki o kahit ang mga text message nito, labis ang nadarama niyang hiya at wala na talaga siyang mukhang ihaharap dito. “Jaiz, can we talk?” sabi pa ni Joewheen, “Sure, go talk!” sagot naman niya “May problema ba? Bakit subsub ka sa pag-aaral mo? Ang lalaki na ng grades mo, number one ka parin as usual, yung mg organizations na sinalihan mo, maganda rin ang mga evaluation nila sa’yo. I assume, may gusto kang kalimutan o gusto mong mag-move on. Ganito rin ang ginawa mo noon nung gusto mong kalimutan si Lance, may problema ba?” sabi pa ng Kuya niya, palagi talaga itong tumatayong guardian sa kanya, wala kasi ang mga magulang nila at sila lang dalawa ang palaging nagkikita. “Kuya kasi, alam na ni Lance na crush ko siya noon. Nakakahiya, Kuya can I ask a favour?” sabi pa niya na tumutulo ang luha, “Jaiz, para yun lang? So what kung alam niya, dapat nga ma flatter siya at ikaw huwag kang mahiya. It’s just normal to admire someone, diba si Aria noon nagka-gusto sa akin, and she was the one telling me that. Anong ginawa ko? I inspire her more, nothing change. So why are you so worried? And what is that favour baby?” sagot naman ng lalaki, “Basta, nakakahiya. Kuya naman, iba si Aria she’s outspoken at iba ako. I want to keep it myself. That’s why, I decided to ask you kung okey lang ba na doon ako titira sa bakante mong pad? Mas malapit yun sa University, wala pa akong distorbo. Tahimik doon at yun ang gusto ko, I already ask Mom and Dad at pumayag naman sila. Kuya, please… Promise I will bring no one there, si Yaya Merla ang isasama ko. You can visit me anytime you want basta promise me na walang makakaalam na doon na ako nakatira. Kahit na mga kaibigan ko at lalong lalo na ang pamilya ni Lance at si Lance. Kuya, this is about me and my privacy.” Sabi pa niya na nag-mamakaawa “Jaizel, grabe ka naman. Humihingi ka lang ng pahintulot, binigay mo na ang mga conditions papaano pa ako makakahindi? Siyempre papayag ako for your privacy thing.” Sagot naman ng lalaki.
No comments:
Post a Comment