Tuesday, November 27, 2007

A Long Story

Papalapag na ang eroplanong sinasakyan ni Jaizel at ng mga kaibigan niya sa Mactan International Airport. Galing sila sa isang Study Tour sa Beijing, mahigit dalawang buwan din silang namalagi doon at ngayon nga ay umuwi na sila. “Too bad our China Exploration is over. Nandito na uli tayo sa Pilipinas, bakit ba kasi hindi tayo nag-extend doon?” sabi pa ni Janine, matalik na kaibigan ni Jaizel “Okey na ako sa stay natin doon, for me it’s already fine at least nakapag-libot tayo ng kaunti as well as may nalaman pa tayong mga bagong Chinese words. Ikaw Jaizel? Kanina ka pa tahimik diyan ah, ano? Kakausapin mo na ba ang parents mo na doon ka na mag-aaral?” sabi naman ni Izza, sa pito nilang magkakabarkada, si Jaizel ang full Chinese at ang iba sa kanila ay ½ lang at ang mga magulang din niya ay pabalik-balik lang sa China o kahit sa ibang parte ng mundo. “Hindi ah, mas gusto ko sa Pilipinas. Ayaw ko doon masyadong complicated ang buhay, mabuti pa dito pwede akong makakapag-relax and there I will also have a hard time in expressing myself.” Sagot naman niya “You’re such a simple person Jaizel, kahit na mayaman kayo you still prefer to live a simple life. True, you’re living in a mansion with guards! Your family own big establishments here in the province, you’re rich, intelligent, pretty and above all, ang bait mo! What more can you ask for?“ sabi pa ni Janine “Alam niyo kung ano ang kulang sa kanya?” sagot pa ni Izza “Ako, alam ko. Lovelife! Meron ka nga halos lahat pero mabuti pa kaming hindi masyadong mayaman at maganda may mga boyfriends pero ikaw? Wala. Paano ba naman kasi, you’re very idealistic! Jaiz, malapit na tayong mag-tapos ng college, isang taon nalang and look at you. Growing old without someone?” bulalas pa ni Kara. “What for? Para may poproblemahin ako? No way, I prefer to take care of my brother rather than care someone else I’m not sure kung mahal ba ako. Sige na nga, aalis na ako. Nandiyan na ang driver naming, baka kung saan ba mapunta ang usapang ito. I don’t want to spoil my nice day.” Sagot naman niya at nag-paalam niya
Totoo, lahat sila ay may mga nobyo na maliban lamang kay Jaizel, hindi kasi ito madaling magka-gusto sa isang lalaki. Marami pa siyang bagay na dapat i-consider bago niya ito magugustuhan. In short, mag-iimbistiga pa siya tungkol sa mga ito and when she find something wrong, tsupe na kaagad. Pero hindi naman siya ganoon ka manhid para hindi makaramdam ng pag-kagusto. Kaya nga lang dalawang beses pa lang siyang nagkagusto sa isang lalaki. Una ay noong nasa Second year High School pa lang siya, si Gosjeorge Fajardo anak ng bestfriend ng kanyang daddy. Childhood friends na sila, pero bago pa lang nadiskubre ni Jaizel ang kanyang nararamdaman para sa lalaki pero hindi rin nag-tagal ang kanyang nararamdaman dahil minsan silang naging malapit at maraming mga bagay na nadiskubrehan si Jaizel tungkol kay Gosjeorge at nawala na ito sa kanyang isip at nag-concentrate na naman sa pag-aaral at sa iba pa niyang mga responsibilities. At sa pangalawang pagkakataon nga ay muli na naman siyang nag-kagusto sa isang lalaki, si Lance Chiong isang sikat na Tennis Player sa isang unibersidad sa Maynila. Nakita lang niya ito sa telebisyon, nag-research siya tungkol dito at habang tumatagal lalo siyang nag-kakagusto sa lalaki. Halos dalawang taon ding nasa isip niya ito, pero lumipas ang ilang araw ay na-realize din niya na hindi sila bagay dahil hindi nga siya kilala ng lalaki kaya minabuti na niyang kalimutan ito. Hindi rin ganoon kadali para sa kanya ang kalimutan si Lance dahil kahit papaano ay naging inspirasyon niya ito sa pagtatapos ng high school niya kung saan naging valedictorian siya at naging inspirasyon din niya ito sa pagiging Freshman niya. Hindi niya alam kung papaano niya nagustuhan ang lalaki basta ang alam niya, sa unang tingin niya dito isinulat na niya agad ang pangalang Lance Chiong sa kanyang cellphone at hinanap niya ito sa Internet at nagpa-bili ng mga Magazines na feature ito. Pero para sa kanya those were all childish reactions at kinakalimutan na niya ito. Willing siyang mag-move on at nagawa naman niya ito, binigyan na naman niya ng kumpletong atensyon ang kanyang pag-aaral. Walang dapat i-meet na expectations si Jaizel galing sa kanyang mga magulang dahil kuntento na ang mga ito sa kahit na ano. Basta huwag lang siyang mag-retain. Nag-iisang babaeng anak si Jaizel at bunso pa, dalawa lamang silang magkakapatid. Ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay mayroon ng sariling negosyo pero hindi pa nag-aasawa. Pareho silang dalawa, career muna bago lovelife, marami ang nag-kakagusto sa kanila pero wala silang nagugustuhan sa mga ito. They all live a simple life, making it simpler because they don’t have a relationship to take care.
Nakaharap si Jaizel sa kanyang Laptop at tinitingnan ang mga pictures na kuha nung nag-punta siya sa Beijing. Nakangiti siya habang tinitingnan ang mga litrato ng may kumatok sa kanyang pinto. “Jaiz, may nag-hahanap sa’yo sa baba si Mitch daw.” Sabi pa ng kanyang yaya “Sige yaya, susunod na ako,” Sagot naman niya. Si Mitch ay kaibigan niya sa subdivision, marahil ay mangungumusta ito sa kanyang bakasyon kaya dali-dali naman siyang bumaba dala ang pasalubong para sa kaibigan. Nag-kwentuhan nga sila hindi rin nag-tagal ay dumating ang iba pa nilang kaibigan at nag-katuwaan silang lahat, naputol lamang kanilang kasiyahan ng may nag-door bell. Nagulat silang lahat dahil wala ng kulang sa kanila, kaya minabuti ni Jaizel na tingnan kung sino ang nasa gate. Pinapasok na ang bisita sa loob ng kanilang katulong, “Ate, sino yung nag-door bell?” tanong pa niya. Minsan lamang kasi silang magkaroon ng bisita samga oras an iyon dahil office hours at wala ang kanyang mga magulang at kapatid, “Si Lance at yung mga kaibigan niya, madalas yan sila dito, kaibigan siya ng Kuya mo at yung mga magulang naman niya ay kaibigan ng Mommy at Daddy mo. Bago natin silang kapitbahay, isang linggo ang lumipas mula nung tumulak ka papuntang Beijing, saka naman sila dumating. Siyang pala, nandoon sila sa garden. Pauwi na daw ang Kuya mo kaya pumunta na sila dito.” Sagot naman ng matanda, “Yaya, sino po yung mga kaibigan niya? May kilala po ba ako sa mga iyon?” tanong na naman niya “Wala Jaiz dahil bago lang sila dito, yung iba naman nag-babakasyon lang. Tanging ang Kuya mo lang ang kaibigan nila ditto sa Subdivision,” Sagot naman niya. Pumunta siya sa garden dala ang meriendang personal niyang hinanda, sinadya niya talaga ito para malaman kung sino ang mga taong pumasok sa kanilang bahay. Iniwan na niya muna ang kanyang mga kaibigan sa sala na kumakain at nanonood ng T.V. Malapit na siya sa garden ng may nakita siyang pamilyar na mukha, pero hindi na ito nagtagal sa kanyang isipan at dumiretso nalang sa kanyang pupuntahan, nilagayn niya ng ngiti ang kanyang mukha para masayang batiin ang mga bisita. Pero para sa kanya, may ka-plastikan ang ngiting iyon, “Mag-merienda muna kayo, baka kasi mataga;-tagalan pa si Kuya.” Sabi pa niya, napako na ang kanyang atensyon sa mukhang pamilyar sa kanya at namula siya ng maalalang mukha iyon ni Lance. “Salamat ha, ahhm bagong katulong ka ba dito? Ngayon ko lang kasi nakita ang maganda mong mukha” Sabi pa ng isang lalaki, nasaktan siya sa sinabi nito. Aba at tinawag akong katulong! Kung alam niyo lang, naku! Lagot kayo kay Kuya mamaya. Sabi niya sa kanyang isipan. Hindi siya sumagot, sa halip ay tumalikod na lamang at iniwan sila. “Yaya, bakit ba hindi mo sinabi sa akin na mga bastos pala ang bisita ni Kuya? Eh di sana ay nag-Taekwondo uniform nalang ako para sinipa ko na ang mga iyon,” Sabi pa niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ng matanda at pumunta na sa kanyang mga kaibigan. “Jaiz, I forgot to tell you. May bago na pala tayong neighbour. Ewan ko lang kung sino, hindi kasi lumalabas ng bahay kaya hindi ako nakapag-kilala.” Sabi pa ni Jussy, hindi na siya sumagot dahil baka kung ano pa ang kanyang masabi at magka-gulo pa. “Jaiz, matanong ko lang, huwag kang magalit ha? Kamusta na pala iyang puso mo? Pounding for Lance Chiong parin ba iyan o pounding for no one na?” tanong pa ni Aria “Huh? Bakit ba napunta sa aking lovelife ang usapan natin? Huwag na nating pag-usapan iyan, past is past noh! At sino nga pala iyang si Lance Chiong? Nakalimutan ko na kung sino man siyang demonyo.” Sagot naman niya, iniba na ni Jaizel ang usapan at nilibang ang kanyang sarili sa pag-kukwento hanggang sa nag-paalam ang kanyang mga kaibigan. Hindi pa rin dumadating ang kanyang kapatid kaya nag-pasya siyang dalhan muli ng maiinom ang mga bisita, “Talaga bang tumawag si Kuya na papuntahin kayo dito sa bahay? Isang oras na ang lumipas, bakit wala parin siya? Hindi ba kayo naboboringan dito?” sabi pa niya “Ahhm, hihintayin nalang naming siya nasabi na rin niya sa amin na baka matatagalan siya ng dating at pahihintayin na lamang niya kami dito. Miss, pwede bang makahingi ng yelo?” sabi pa ni Lance “Sige, ipapadala ko nalang kay yaya.” Sagot pa niya at tumalikod na, nagulat ang mga lalaki dahil sa sinabi niya. “Lance, sino ba iyon?” tanong pa ni Warren “Aba, ewan hindi ko alam. Ngayon ko lang siya nakita dito eh.” Sagot naman niya “Hindi kaya si Jaizel iyon?” tanong pa ni Carlo “Ewan, tanungin nalang natin si Yaya mamaya,” Sagot naman ni Lance.
Dumidilim na ng dumating si Joewheen, ang kapatid ni Jaizel. “Kuya, nandoon ang mga buwisita mo sa garden, mga feeling hari ang kakapal. Tinanong ba naman ako kung bagong katulong ba ako,” Sabi pa niya. “Pasensiyahan mo na sila, pero huwag ka! Gwapo sila diba, Jaiz matanong ko lang sino nga ba iyong crush mo nung fourth year ka na Tennis player?” tanong pa ng kanyang kapatid, ganoon sila alam ng isa’t-isa kung sino ang mga crush nila, hindi na lihim ang iyon sa kanilang dalwa o maski sa kanilang mga magulang. Pero hindi rin lihim sa kanila na ayaw pa nilang dalawa magkaroon ng nobyo o nabya. “Huh? Ba’t mo natanong? Huwag mo ng alamin, matagal na iyong nakabaon sa aking alaala.” Sagot naman niya “Jaiz, I’m just kidding! Of course naaalala ko pa kung sino yun ano. Diba si Lance Chiong? And a good news siya yung----“ putol na sabi ni Joewheen, nakita kasi nito ang kanyang mga kaibigan. “Guys, come here! I’ll introduce you to my sister.” Sabi pa niya at dali-dali namang lumapit ang mga ito “Jaizel, these are my friends. Starting of with, Lance Chiong our new neighbour and I know na kilala mo na siya noon pang high school ka, at ang mga kaibigan niya, si Carlo, Warren, Marky, and Cyon.” Sabi pa ng kanyang Kuya, hindi siya ngumiti sa mga ito. “Jaiz, sorry ha! Napagkamalan kitang katulong sabi pa ni Cyon “Sorry din Jaiz. Promise, hindi na mauulit.” Sabi din ni Lance, “Okey lang yun, mukha naman talaga ako katulong eh. Kuya, maglalakad-lakad muna ako ha, ayaw ko kasing mapaaway o di kaya ay mapag-kamalan ulit na katulong.” Sabi pa niya at naglakad palabas “Jaiz, mag-ingat ka ha! And don’t worry, I won’t spill the bean.” Sabi pa ni Joewheen na tumatawa. Nag-lalakad si Jaizel sa dalampasigan ng may nakita siyang dalawang babae at isang lalaking masayang nag-hahabulan, nilapitan niya ito at tiningnan ang mga mukha pero ni isa sa kanila ay wala siyang nakikilala. Kaya nagpasya siyang makipag-kaibigan sa mga ito. “Hi! Ahhm, bago ba kayo dito? I mean, ngayon ko lang kasi nakita ang mga mukha ninyo, I’ve been spending almost all my afternoons here pero hindi ko pa kayo nakita. By the way, I’m Jaizel, Jaizel Du. Kayo?” sabi pa niya na may ngiti sa kanyang labi. At last sa araw na ito nagawa niya ring ngumiti sa hindi niya kakilala. “I’m Andy, my two sisters Sandy and Sheryl Chiong ang family name namin. Yeah, your right! Bago lang talaga kami dito, a month and a half siguro. But since the first time we stepped here. Palagi na kaming pumupunta dito pero bakit hindi ka naming nakikita?” sabi pa ng lalaking kamukha ni Lance, malakas na ang kanyang loob na kapatid ni Lance ang mga ito dahil noon nalaman niya na apat silang mag-kakapatid, dalawang lalaki at dalawa ring babae. “I spent my vacation somewhere, kaya yun.” Sagot naman niya “Du ka diba? So, siguro kapatid mo si Joewheen. Ikaw ba yung pumuntang Beijing?” tanong pa Sheryl “Yeah, ako yun! I assume kapatid kayo ni Lance? Buti pa kayo alam agad na kapatid ko si Joewheen, habang si Lance ay pinagkamalan akong katulong.” Sabi pa niya na nakangiti, noon lang niya naalala ang mga mukha nila, nakita na niya ang mga ito sa isang magazine na nabili niya noon, nangarap pa nga siya na sana ay maging kaibigan niya ang mga ito para naman mailakad siya kay Lance pero noon yun ngayon ay iba na. Kapitbhay na nila ito, abot kamay na niya ang lalking noon ay pinapanaginip niya. Ngayon na napagpasyahan na niyang kalimutan ito at mag-move on. “Hay naku, ganyan talaga yang si Kuya Lance hindi nag-iisip bago mag-salita, pasensyahan mo na ha? Pero kahit ganoon yun mabait din naman siya, mapagmahal, matalino at higit sa lahat gwapo pa. Halos nga lahat ng babae sa kanilang paaralan may gusto sa kanya. Pero wala namang nagugustuhan si Lance sa kanila. Self-confessed na mahirap siyang magka-gusto sa mga babae.” Sabi pa ni Sandy, “Huh? Bakit mo naman nasabi yon? Teka nga change topic tayo huwag si Kuya ang pag-uusapan natin.” Sabi pa ni Andy, “Jaiz, natural ba talaga sa pamilya ninyo ang pagiging friendly?” tanong pa ni Sheryl “Medyo, bakit mo naman natanong?” sagot naman niya “Wala lang, kasi yung Mom mo ang unang nakipag-kaibigan sa Parents naming tapos saka naman lumapit si Kuya Joewheen para makipag-kaibigan sa amin. Tapos ikaw, ang bait niyo naman sana lahat ng tao pareha ninyo” sabi naman ni Sheryl. Tawa lang ang sinagot niya, nag-kwnetuhan pa sila at nag-yaya ng umuwi. Nalaman ni Jaizel ang dahilan kung bakit ditto na nakatira ang pamilya ni Lance, na lugi pala ang mga negosyo nila at hindi na ganoon kalaki ang kinikita ng parents niya, tanging ang Beach Resort lamang nila Mactan Island ang natira sa kanila kay nag-pasya na silang sa Cebu mamalagi for good. May pag-alalang naramdaman si Jaizel para sa kanyang mga kaibigan pero mas lalo siyang nag-alala para kay Lance, hindi niya alam kung bakit pero ang pagiging parte nito noon sa kanyang buhay ang dinahilan niya sa kanyang sarili.
“Jaiz, may lalakarin ka ba mamaya pagkagaling mo sa school?” tanong pa ni Joewheen, graduating student si Jaizel sa isang unibersidad sa kanilang probinsya sa cursong Business Management, Dean’s Lister siya doon at ibig sabihin ay Scholar siya. Walang binayarang tuition fee ang kanyang mga magulang para sa kanya simula ng nag-high school siya, palagi siyang scholar at may allowance pa galing sa paaralan kaya ang perang dapat sana ay para sa pag-aaral niya, sa bangko mapupunta. “Wala naman, maliban na lamang kung may kailangan akong bilhin sa Mall para sa School bukas, pero sa tingin ko wala naman. Bakit Kuya?” sagot naman niya, “Ako ang susundo sa’yo mamaya, mag-shopping tayo at kakain sa labas” sabi pa ng kanyang kapatid “Ano naman kaya ang nakain mo at nag-yaya kang mag-shopping, pero sige hindi ako tatanggi. The last time na nag-punta ako sa mall ay yung hindi pa ako naka-punta sa Beijing and that’s almost two months. Ayaw ko kasing makakita ng maraming tao, pero dahil ikaw papayag ako.” Sagot naman niya “Sige, pick you up at 5:30.” Sabi pa ni Joewheen at nag-paalam na sila sa isa’t-isa. May sarili silang sasakyan at driver, may personal assistant-secretary si Joewheen habang si Jaizel naman ay may Yaya, pero hindi na niya ito pinasasama sa paaralan niya, nahihiya kasi siyang may sumusunod sa kanya. Alas singko pa lamang ay nag-hahanda na siya, nag-paalam sa kanyang mga kaibigan at pumunta sa Cafeteria para doon hintayin ang kanyang kapatid. “Hi! Ahhm, sabi ng Kuya mo ako na daw ang susundo sa’yo may emergency kasi kaya sinabi niyang tayo na lamang daw ang mamasyal at nag-papabili pala siya ng shirt, kulay blue daw tapos bumili ka rin daw ng kahit ano para sa’yo.” sabi pa ng boses na nanggagaling sa kanyang likuran pag-lingon niya ay nanlaki agad ang kanyang mata ng makita niya si Lance “Huh? Yun ba sinabi niya sa’yo, ako din eh may importanteng meeting na pupuntahan kaya hindi rin ako makaktuloy. Nandito lang ako para mag-merienda tapos babalik na ako sa Classroom.” Sagot naman niya, kumukulo na ang dugo niya, buti na lamang at nakapag-isip siya ng magandang isasagot kung hindi lagot siya. Alam niyang pinlano iyon ng Kuya niya, pero wala siyang planong makasama si Lance dahil away niyang magka-gusto siyang muli ditto, “Ahh ganoon ba, sige hihintayin nalang kita boring kasi sa bahay wala akong magawa, gusto ko ring makabawi sa ginawa ko sa’yo.” Sabi pa ni Lance “Hindi, huwag nalang. Matatagalan ako ng uwi, magpapasundo nalang ako sa driver. Yung ginawa mo sa akin noon? Wala iyon, hindi naman ako pikon eh.” Sagot naman niya na nanginginig “Jaiz, sino yang kasama mo? Akala ko ang Kuya Joewheen mo ang susundo sa’yo, hindi naman yan si Joewheen ahh. Familiar ang mukha niya, OMG! Lance? Lance Chiong? Jaizel, ang daya mo hindi mo kami sinabihan na kaibigan pala kayo ng long time-----“sabi pa ni Izza “Shut up! Please, kaibigan siya ng Kuya ko. Nag-punta siya ditto para sabihing cancelled ang lakad naming ni Kuya at tamang-tama sind kasi diba may meeting pa tayo para sa School Paper?” sabi pa niya na mas lalong nanginginig ang boses “Anong meeting? Wala naman tayong meeting ahh, next week pa iyon ikaw talaga nagka-amnesia na nakita lang si Lance. Hi Lance! I’m Izza, Jaizel’s friend alam mo noon ko pa pinapangarap na makilala ka. Naikwento ka kasi ni Jaizel sa amin noon, mga three years ago pero hindi ko parin nakakalimutan dahil ang gwapo mo nung may ipinakita siyang picture sa akin. Alam mo idol ka niya sa Tennis, she’s a varsity player of Tennis way way back in High School at pati rin ngayong College na siya, isa pa, Taekwondo player din siya Black Belter. Master na siya and also a swimmer and a basketball player. The only weakness that she has in sports is Volleyball.” Sabi pa ng babae, namumula na si Jaizel sa inis. Hindi niya sana gusting malaman pa ito ni Lance pero nangyari na ang dapat mangyari, dapat na lang niyang pigilan sa pag-uusap ang dalawa dahil baka mabulgar pa ni Izza na minsan niyang naging crush ang lalaki. “Kuya, nag-bago isip ko, halika na may bibilhin pa pala ako. Izza, salamat ha! Bye!” hinila na niya si Lance at sumunod naman ito.

No comments: