Thursday, January 3, 2008

A Long Story: Part II

Binuksan ni Lance ang radyo habang nag-didrive, mas lalong kinabahan si Jaizel ng marinig ang tugtog, favourite love song niya iyon at kinakanta ng lalaking maganda ang boses, ang alam niya babae ang original singer ng kantang iyon. “Ang ganda ng kanta noh? I sung that during my sister’s birthday without knowing that they recorded it and gave it to me after. I really kept it and pinapatugtog ko sa kwarto ko at sa kotse ko. Jaiz, ikaw? Ano ang favourite song mo?” sabi pa ni Lance, nagulat si Jaizel dahil ang alam niya, na-iinsecure si Lance kapag kumakanta o di kaya ay nag-dadrawing. Pero hind na sia sumagot, sa halip ay kinuha niya ang cellphone niya at nag-text sa kanyang Kuya, “Bkt cya ang pnasundo m sa akn? “ Hindi nag-tagal ay nag-reply din ito, “Hw do u lyk it? I hope ur having a gud tym. Sorry, pinlano q tlga ito.” Sagot naman niya “Kuya, I hate hm! Wla akong planong magka-gus2 ulit sa kanya. Pro I’ll take dis chance na kaibiganin cya.” Sagot naman niya, somehow, inher good side, may nag-sasabing dapat niyang bigyan ng chance ang kanyang sariling maging kaibigan ang lalaki. “Ok thanx! Datz my sis, gus2 din nyang bumawi nung napag-kamalan ka niyang katulong.” Sagot din ni Joewheen, ngumiti ng kaunti si Jaizel at saka hinarap si Lance. “Sorry ha! Naging masungit ako sa’yo kasi naman kayo padalos-dalos, imagine pinagkamalan mo akong katulong! Sino ba naman ang hindi magagalit sa inyo?” sabi pa niya “Sino ba yung nag-text sa’yo? Anghel? Bakit ka nag change of mood, okey lang naman sa akin na magalit ka kasalanan ko din naman.” Sagot pa ni Lance “Ok na talaga, si Kuya ang nag-text. Nag-sorry lang siya.” Sagot naman niya, hindi na naka-sagot si Lance dahil nakarating na sila sa Mall at una silang bumili ng T-shirt para sa kanyang kapatid at T-shirt din para sa kanya. Balak niya sanang bilhan din si Lance bilang Peace-Offering Gift pero nag-dadalawang isip pa siya, may nakita din siyang mgandang sun visor at balers kaya bumili din siya ng mga ito. Pagkatapos nilang mamili ay pumasok sila sa isang Coffee Shop at doon umupo at uminom ng kape. “I think, we need to start from the very beginning, can we introduce ourselves formally at maging magkaibigan tayo katulad ng pagkakaibigang ibinigay mo sa mga kapatid ko. Hi! I’m Lance, and you are?” sabi pa ng lalaki “I’m Jaizel.” Maikling sagot niya na may ngiti sa kanyang labi.
Doon nga nag-simula ang mabuti nilang pagkakaibigan.
Papalabas si Jaizel sa kanilang bahay, balak niyang mag-lakad lakad dahil naiinip na siya sa kanilang bahay, nasa Maynila ang kanyang mga magulang habang ang Kuya naman niya ay pumunta sa Davao. Sa makalawa pa sila uuwi. “Hi! Jaiz, saan ka pupunta?” tanong pa ng boses na nanggagaling sa kanyang likuran, alam na niya na boses iyon ni Lance “Maglalakad lang, boring kasi sa bahay. Walang tao, wala rin ang mga kaibigan ko.” Sabi pa niya “Gusto mo, samahan na kita, “Wala din sina Mommy nag-punta sa Mactan ako lang ang naiwan sa bahay.” Sagot naman ng lalaki “Sige, sumama ka wala namang problema, sa dalampasigan ang punta ko, tapos dadaan akong simbahan baka kasi nandoon yung mga ibang kaibigan ko, Okey lang ba sa iyo?” sabi pa niya “Siyempre naman, pero hihingi sana ako ng pabor, pwede bang ipakilala mo ako sa kanila ng maayos bilang kaibigan mo at hindi bilang kaibigan ng Kuya mo?” sabi naman ng lalaki “Sige, sorry nga pala doon sa inasal ko sa’yo sa school. Ayaw ko lang kasing sumama sa ibang lalaki maliban sa Kuya ko at sa Best Friend ko. Ayam ko rin na tinutukso, ang mga bibig kasi ng mga kaibigan ko medyo may kalakihan.” Sagot naman niya “Okey lang yon, ikaw pa. Malakas ka sa akin.” Sagot naman niya, patuloy silang nag-lalakad hanggang dumating sa dalampasigan. Doon lang sila nag-kwentuhan habang tinitingnan ang dagat, kinakabahan parin si Jaizel. Hindi niya alam kung bakit basta ang alam niya malakas ang tibok ng kanyang puso at masaya siya. “Kuya, saan naba yung mga kaibigan mo? Hindi ko na sila nakikita ah.” Sabi pa ni Jaizel “Sina Carlo ba? Umuwi na sila sa Maynila. Nag-aaral pa kasi yun sila, dinalaw lang nila ako dito. Namimiss daw nila ako, pero yun umuwi rin may mga girlfriends ang mga iyon at palagi narin silang kinukulit na umuwi. Jaiz, can I ask a favour?” sabi pa ni Lance “Ahh, iniwan ka na nila. Anong pabor ang gusto mong hingin?” sagot naman niya “Please don’t call me Kuya, I’m only three years older than you at ayaw kong mag-mukhang matanda.” Sabi pa niya, tumawa lang sila “Sige na nga, Lance na ang itatawag ko sa’yo” Sagot naman niya. Tumulak na sila sa simbahan at tuwang-tuwa si Jaizel ng malamang dumating na pala ang kanyang mga kaibigan galing sa seminar na sinalihan nila. “Jaiz, may kasama kang lalaki? Milagro! Ipakilala mo naman kami ang gwapo niya., familiar ang mukha niya! Para siyang si…… sino nga ba yung crush mo noon na Tennis player—“ putol na sabi ni Jocel, sasapawan sana niya ang babae pero madaling nakapag-salita si Aria, “Her long time love, si Lance Chiong!” sigaw pa niya, namumula na siya dahil sa kahihiyan. Pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang i-harap kay Lance, pero nilakasan niya ang kanyang loob at kahit na kinakabahan siya ay pinilit niya paring mag-salita. Pero nakita niya si Lance na nagulat pero nakangiti parin. “Ahhm guys, listen! Past is past diba? And hey! I would like to introduce to you my new friend, Lance Chiong.” Gulat ang lahat pero tumatawa parin lalo na si Lance at ang ibang mga lalaki. “You mean? Your Lance the Tennis Player and the Hero of your Partnership with someone named… Michael?” sabi pa ni Warren “Yeah, pero noon yun! I leave it already, hindi na ako sporty guy, nag-iba na ako. Nice meeting you all pala at salamat sa binigay niyong impormasyon sa akin.” Sagot naman niya, hindi na naka-tiis si Jaizel at dali-dali na siyang umalis, hindi siya napansin ng mga tao dahil busy ang mga ito sa pakikipag-kwentuhan sa kanyang kaibigan.
Pagkatapos ng nangyari ay hindi na nagpakita si Jaizel kay Lance, hindi na siya palaging nas bahay, sa paaralan nalang siya pumupunta, hindi narin siya nag-lalakad sa kanilang village o pumupunta sa dalampasigan. Hindi niya sinasagot ang tawag ng lalaki o kahit ang mga text message nito, labis ang nadarama niyang hiya at wala na talaga siyang mukhang ihaharap dito. “Jaiz, can we talk?” sabi pa ni Joewheen, “Sure, go talk!” sagot naman niya “May problema ba? Bakit subsub ka sa pag-aaral mo? Ang lalaki na ng grades mo, number one ka parin as usual, yung mg organizations na sinalihan mo, maganda rin ang mga evaluation nila sa’yo. I assume, may gusto kang kalimutan o gusto mong mag-move on. Ganito rin ang ginawa mo noon nung gusto mong kalimutan si Lance, may problema ba?” sabi pa ng Kuya niya, palagi talaga itong tumatayong guardian sa kanya, wala kasi ang mga magulang nila at sila lang dalawa ang palaging nagkikita. “Kuya kasi, alam na ni Lance na crush ko siya noon. Nakakahiya, Kuya can I ask a favour?” sabi pa niya na tumutulo ang luha, “Jaiz, para yun lang? So what kung alam niya, dapat nga ma flatter siya at ikaw huwag kang mahiya. It’s just normal to admire someone, diba si Aria noon nagka-gusto sa akin, and she was the one telling me that. Anong ginawa ko? I inspire her more, nothing change. So why are you so worried? And what is that favour baby?” sagot naman ng lalaki, “Basta, nakakahiya. Kuya naman, iba si Aria she’s outspoken at iba ako. I want to keep it myself. That’s why, I decided to ask you kung okey lang ba na doon ako titira sa bakante mong pad? Mas malapit yun sa University, wala pa akong distorbo. Tahimik doon at yun ang gusto ko, I already ask Mom and Dad at pumayag naman sila. Kuya, please… Promise I will bring no one there, si Yaya Merla ang isasama ko. You can visit me anytime you want basta promise me na walang makakaalam na doon na ako nakatira. Kahit na mga kaibigan ko at lalong lalo na ang pamilya ni Lance at si Lance. Kuya, this is about me and my privacy.” Sabi pa niya na nag-mamakaawa “Jaizel, grabe ka naman. Humihingi ka lang ng pahintulot, binigay mo na ang mga conditions papaano pa ako makakahindi? Siyempre papayag ako for your privacy thing.” Sagot naman ng lalaki.

Thursday, December 6, 2007

What A Day...

hahaha... I never thought it will be like this... Well, I just had a bad day yesterday and I'm expecting today as a bad day too... well, to refresh my memory... I got a low grade in my Literature Activity.. blame it to my not functioning very well hand/wrist... i guess i got a sprain... Well, going back to my day... I went earlier than expected.. i brought lots of things for the next day when my mom prepared my baon and when i arrive in school and I went to the gym for a general assembly... the thought that general assembly will just happen within 30 mins. or earlier... but no... the said assembly cause us not to have our class the whole day.. hahaha.. funny ryt?? Well, we are preparing for our school's foundation days.... and we had series of practice.... then, i just notice that its already 5:00 pm... what a short time! So, i decided to go home... just then, my classmate ask me to make her costume for the waste in fashion... and my chinese lantern for our dance... i brought many things in going home... hahah... and i was just riding on a cab.... i don't know if how did i do it.... then, when i got home.. my wrist ache again.. so i got a medicine and i work for all the things that i need to do in with a broken wrist.. hahah..... what a day indeed... with a broken wrist... i was able to do things that made other people happy...

Just then, i realize that we don't need to be perfect just to make other people happy... we just need to be ourselves and help other people with your whole heart...
To everyone... I can't say anything except help and be kind to others... coz when you know that you made someone happy and see him/her with a smile... it will make you feel happier and proud of yourself...

Thank you everyone and God Bless...

...........;;;;;;;;;;...........

-Dai Xu Na :->


I Love My Fellow Jadeans... And I thank them for all the things that they've done for me....

Tuesday, December 4, 2007

Friendship...

hahaha... for this time... I won't take about the sacrifices that I made for this day but for a nice thing that happened to me yesterday... I was really busy last night perparing my costume for our Presentation this Saturday when something pop out my mind.... hehehe... checking my YM and Multiply Account or other accounts that I have... When I was able to Chat with someone... named Charlene... Well, she's my new friend.. just chatted with her last night... And we have something in common... well, I just won't mention it but we knew what is it... hehehe... Xie Xie Charlene..!!! Hope to know you more.... and I hope Destiny is in the side of our Friendship....

Wan An....!!!

...Dai Xu Na...
Have you ever heard the song 'Your Guardian Angel' by the Red Jumpsuit Apparatus??? Try to listen to it and you'll know what true love means... SACRIFICE... Well, from the chorus it says:


I will never let you fall
I’ll stand up with you forever
I’ll be there for you
Through it all
Even if saving you
Sends me to heaven

That's true love.. No matter how it hurts... You're still loving 'coz your love just depends on the happiness of the person you love....

Fei Cui... Jade, well... The Jade Necklace, I mean... The Story itself shows the real meaning of love... Loving someone means, being kind and being unselfish... I am not really ramiliar of those International Songs... I'm an OPM fan... or supporter... but because of my classmate, she asked me to listen to this song and I was deeply touched by its lyrics... For me, it's a nice song and a song suitable for the Jade Necklace Story.....

Tsai Tien...!!! 'til next post....

Friday, November 30, 2007

My Favorite Sport.... A Sport With Sacrifice...

Well, almost all of us are involved in Sports... Whether it may be Badminton, Swimming, Tennis, Golf, Softball and how can I forget the famous Sport, Basketball. Many thought basketball is a game that when you will be able to gain points it's already fine. But no, that's wrong. In order to be a basketball player you need to Sacrifice something. Aside from the time and effort during practices we need to consider another thing and for me, as a player (well, not really I'm playing basketball for fun and enjoyment but actually I'm learning something out from it) and as an observer (my brother is a player and I used to go with him during games and practices to carry his bag) It's more than time and effort and for me it's the hardest thing. That is to control our eagerness to shot the ball even though we know we can't make it. I was able to watch different kinds of basketball game; a game which involve chaotic players, disciplined players, boastful players, humble players, selfish players and selfless players. Of all those that I mentioned, the kind of player that I like the most are those that are selfless. Well, we all know that basketball is all about cooperation and teamwork. As I watch a certain basketball game between two teams... I was able to come up with a realization that the team who won is worth it. Why? Beacuse the winning team's players are not selfish. I mean, they are controlling their eagerness and they are waiting for the right time... 'They can score whenever they want but they are also considering the other players who have lower points than they do.' as what a sports analysts says... They are sacrificing for others... That's why, I love that team...

Tuesday, November 27, 2007

I Speak..

Well, Sacrifice napud... As usual.. I'm used to it naman gud.. ni ingon gani ang ako usa ka classmate nga angay na daw ko himuan ug monumento... Pero I don't think that's favorable... mahal man gud kaayo.. Well, I just would like to thank the people whose with me all throughout my life... My new friends, my old friends, my plastic friends, my true friend, my close friends and everyone... thank you so much.. I will cherish every moment that I'm with you.. coz every moment I spend with you.. Feeling naku.... I rock! hehe.. jowk... Ahhmmmm,, I'll try to update this blog daily or as soon as I can.. hehehe... Thanks guys!!!

Ang continuation sa Story,,, next time na naku i-butang.. hehehehe...

Hi Ibal!!! Hi Dave!!! Hi Corinne!!! Hi Rizel!!! Hi Jadeans.....

Happy Birthday LENNY!!! Thank You sa Donut... hehehe.. nabusog ko....

A Long Story

Papalapag na ang eroplanong sinasakyan ni Jaizel at ng mga kaibigan niya sa Mactan International Airport. Galing sila sa isang Study Tour sa Beijing, mahigit dalawang buwan din silang namalagi doon at ngayon nga ay umuwi na sila. “Too bad our China Exploration is over. Nandito na uli tayo sa Pilipinas, bakit ba kasi hindi tayo nag-extend doon?” sabi pa ni Janine, matalik na kaibigan ni Jaizel “Okey na ako sa stay natin doon, for me it’s already fine at least nakapag-libot tayo ng kaunti as well as may nalaman pa tayong mga bagong Chinese words. Ikaw Jaizel? Kanina ka pa tahimik diyan ah, ano? Kakausapin mo na ba ang parents mo na doon ka na mag-aaral?” sabi naman ni Izza, sa pito nilang magkakabarkada, si Jaizel ang full Chinese at ang iba sa kanila ay ½ lang at ang mga magulang din niya ay pabalik-balik lang sa China o kahit sa ibang parte ng mundo. “Hindi ah, mas gusto ko sa Pilipinas. Ayaw ko doon masyadong complicated ang buhay, mabuti pa dito pwede akong makakapag-relax and there I will also have a hard time in expressing myself.” Sagot naman niya “You’re such a simple person Jaizel, kahit na mayaman kayo you still prefer to live a simple life. True, you’re living in a mansion with guards! Your family own big establishments here in the province, you’re rich, intelligent, pretty and above all, ang bait mo! What more can you ask for?“ sabi pa ni Janine “Alam niyo kung ano ang kulang sa kanya?” sagot pa ni Izza “Ako, alam ko. Lovelife! Meron ka nga halos lahat pero mabuti pa kaming hindi masyadong mayaman at maganda may mga boyfriends pero ikaw? Wala. Paano ba naman kasi, you’re very idealistic! Jaiz, malapit na tayong mag-tapos ng college, isang taon nalang and look at you. Growing old without someone?” bulalas pa ni Kara. “What for? Para may poproblemahin ako? No way, I prefer to take care of my brother rather than care someone else I’m not sure kung mahal ba ako. Sige na nga, aalis na ako. Nandiyan na ang driver naming, baka kung saan ba mapunta ang usapang ito. I don’t want to spoil my nice day.” Sagot naman niya at nag-paalam niya
Totoo, lahat sila ay may mga nobyo na maliban lamang kay Jaizel, hindi kasi ito madaling magka-gusto sa isang lalaki. Marami pa siyang bagay na dapat i-consider bago niya ito magugustuhan. In short, mag-iimbistiga pa siya tungkol sa mga ito and when she find something wrong, tsupe na kaagad. Pero hindi naman siya ganoon ka manhid para hindi makaramdam ng pag-kagusto. Kaya nga lang dalawang beses pa lang siyang nagkagusto sa isang lalaki. Una ay noong nasa Second year High School pa lang siya, si Gosjeorge Fajardo anak ng bestfriend ng kanyang daddy. Childhood friends na sila, pero bago pa lang nadiskubre ni Jaizel ang kanyang nararamdaman para sa lalaki pero hindi rin nag-tagal ang kanyang nararamdaman dahil minsan silang naging malapit at maraming mga bagay na nadiskubrehan si Jaizel tungkol kay Gosjeorge at nawala na ito sa kanyang isip at nag-concentrate na naman sa pag-aaral at sa iba pa niyang mga responsibilities. At sa pangalawang pagkakataon nga ay muli na naman siyang nag-kagusto sa isang lalaki, si Lance Chiong isang sikat na Tennis Player sa isang unibersidad sa Maynila. Nakita lang niya ito sa telebisyon, nag-research siya tungkol dito at habang tumatagal lalo siyang nag-kakagusto sa lalaki. Halos dalawang taon ding nasa isip niya ito, pero lumipas ang ilang araw ay na-realize din niya na hindi sila bagay dahil hindi nga siya kilala ng lalaki kaya minabuti na niyang kalimutan ito. Hindi rin ganoon kadali para sa kanya ang kalimutan si Lance dahil kahit papaano ay naging inspirasyon niya ito sa pagtatapos ng high school niya kung saan naging valedictorian siya at naging inspirasyon din niya ito sa pagiging Freshman niya. Hindi niya alam kung papaano niya nagustuhan ang lalaki basta ang alam niya, sa unang tingin niya dito isinulat na niya agad ang pangalang Lance Chiong sa kanyang cellphone at hinanap niya ito sa Internet at nagpa-bili ng mga Magazines na feature ito. Pero para sa kanya those were all childish reactions at kinakalimutan na niya ito. Willing siyang mag-move on at nagawa naman niya ito, binigyan na naman niya ng kumpletong atensyon ang kanyang pag-aaral. Walang dapat i-meet na expectations si Jaizel galing sa kanyang mga magulang dahil kuntento na ang mga ito sa kahit na ano. Basta huwag lang siyang mag-retain. Nag-iisang babaeng anak si Jaizel at bunso pa, dalawa lamang silang magkakapatid. Ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay mayroon ng sariling negosyo pero hindi pa nag-aasawa. Pareho silang dalawa, career muna bago lovelife, marami ang nag-kakagusto sa kanila pero wala silang nagugustuhan sa mga ito. They all live a simple life, making it simpler because they don’t have a relationship to take care.
Nakaharap si Jaizel sa kanyang Laptop at tinitingnan ang mga pictures na kuha nung nag-punta siya sa Beijing. Nakangiti siya habang tinitingnan ang mga litrato ng may kumatok sa kanyang pinto. “Jaiz, may nag-hahanap sa’yo sa baba si Mitch daw.” Sabi pa ng kanyang yaya “Sige yaya, susunod na ako,” Sagot naman niya. Si Mitch ay kaibigan niya sa subdivision, marahil ay mangungumusta ito sa kanyang bakasyon kaya dali-dali naman siyang bumaba dala ang pasalubong para sa kaibigan. Nag-kwentuhan nga sila hindi rin nag-tagal ay dumating ang iba pa nilang kaibigan at nag-katuwaan silang lahat, naputol lamang kanilang kasiyahan ng may nag-door bell. Nagulat silang lahat dahil wala ng kulang sa kanila, kaya minabuti ni Jaizel na tingnan kung sino ang nasa gate. Pinapasok na ang bisita sa loob ng kanilang katulong, “Ate, sino yung nag-door bell?” tanong pa niya. Minsan lamang kasi silang magkaroon ng bisita samga oras an iyon dahil office hours at wala ang kanyang mga magulang at kapatid, “Si Lance at yung mga kaibigan niya, madalas yan sila dito, kaibigan siya ng Kuya mo at yung mga magulang naman niya ay kaibigan ng Mommy at Daddy mo. Bago natin silang kapitbahay, isang linggo ang lumipas mula nung tumulak ka papuntang Beijing, saka naman sila dumating. Siyang pala, nandoon sila sa garden. Pauwi na daw ang Kuya mo kaya pumunta na sila dito.” Sagot naman ng matanda, “Yaya, sino po yung mga kaibigan niya? May kilala po ba ako sa mga iyon?” tanong na naman niya “Wala Jaiz dahil bago lang sila dito, yung iba naman nag-babakasyon lang. Tanging ang Kuya mo lang ang kaibigan nila ditto sa Subdivision,” Sagot naman niya. Pumunta siya sa garden dala ang meriendang personal niyang hinanda, sinadya niya talaga ito para malaman kung sino ang mga taong pumasok sa kanilang bahay. Iniwan na niya muna ang kanyang mga kaibigan sa sala na kumakain at nanonood ng T.V. Malapit na siya sa garden ng may nakita siyang pamilyar na mukha, pero hindi na ito nagtagal sa kanyang isipan at dumiretso nalang sa kanyang pupuntahan, nilagayn niya ng ngiti ang kanyang mukha para masayang batiin ang mga bisita. Pero para sa kanya, may ka-plastikan ang ngiting iyon, “Mag-merienda muna kayo, baka kasi mataga;-tagalan pa si Kuya.” Sabi pa niya, napako na ang kanyang atensyon sa mukhang pamilyar sa kanya at namula siya ng maalalang mukha iyon ni Lance. “Salamat ha, ahhm bagong katulong ka ba dito? Ngayon ko lang kasi nakita ang maganda mong mukha” Sabi pa ng isang lalaki, nasaktan siya sa sinabi nito. Aba at tinawag akong katulong! Kung alam niyo lang, naku! Lagot kayo kay Kuya mamaya. Sabi niya sa kanyang isipan. Hindi siya sumagot, sa halip ay tumalikod na lamang at iniwan sila. “Yaya, bakit ba hindi mo sinabi sa akin na mga bastos pala ang bisita ni Kuya? Eh di sana ay nag-Taekwondo uniform nalang ako para sinipa ko na ang mga iyon,” Sabi pa niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ng matanda at pumunta na sa kanyang mga kaibigan. “Jaiz, I forgot to tell you. May bago na pala tayong neighbour. Ewan ko lang kung sino, hindi kasi lumalabas ng bahay kaya hindi ako nakapag-kilala.” Sabi pa ni Jussy, hindi na siya sumagot dahil baka kung ano pa ang kanyang masabi at magka-gulo pa. “Jaiz, matanong ko lang, huwag kang magalit ha? Kamusta na pala iyang puso mo? Pounding for Lance Chiong parin ba iyan o pounding for no one na?” tanong pa ni Aria “Huh? Bakit ba napunta sa aking lovelife ang usapan natin? Huwag na nating pag-usapan iyan, past is past noh! At sino nga pala iyang si Lance Chiong? Nakalimutan ko na kung sino man siyang demonyo.” Sagot naman niya, iniba na ni Jaizel ang usapan at nilibang ang kanyang sarili sa pag-kukwento hanggang sa nag-paalam ang kanyang mga kaibigan. Hindi pa rin dumadating ang kanyang kapatid kaya nag-pasya siyang dalhan muli ng maiinom ang mga bisita, “Talaga bang tumawag si Kuya na papuntahin kayo dito sa bahay? Isang oras na ang lumipas, bakit wala parin siya? Hindi ba kayo naboboringan dito?” sabi pa niya “Ahhm, hihintayin nalang naming siya nasabi na rin niya sa amin na baka matatagalan siya ng dating at pahihintayin na lamang niya kami dito. Miss, pwede bang makahingi ng yelo?” sabi pa ni Lance “Sige, ipapadala ko nalang kay yaya.” Sagot pa niya at tumalikod na, nagulat ang mga lalaki dahil sa sinabi niya. “Lance, sino ba iyon?” tanong pa ni Warren “Aba, ewan hindi ko alam. Ngayon ko lang siya nakita dito eh.” Sagot naman niya “Hindi kaya si Jaizel iyon?” tanong pa ni Carlo “Ewan, tanungin nalang natin si Yaya mamaya,” Sagot naman ni Lance.
Dumidilim na ng dumating si Joewheen, ang kapatid ni Jaizel. “Kuya, nandoon ang mga buwisita mo sa garden, mga feeling hari ang kakapal. Tinanong ba naman ako kung bagong katulong ba ako,” Sabi pa niya. “Pasensiyahan mo na sila, pero huwag ka! Gwapo sila diba, Jaiz matanong ko lang sino nga ba iyong crush mo nung fourth year ka na Tennis player?” tanong pa ng kanyang kapatid, ganoon sila alam ng isa’t-isa kung sino ang mga crush nila, hindi na lihim ang iyon sa kanilang dalwa o maski sa kanilang mga magulang. Pero hindi rin lihim sa kanila na ayaw pa nilang dalawa magkaroon ng nobyo o nabya. “Huh? Ba’t mo natanong? Huwag mo ng alamin, matagal na iyong nakabaon sa aking alaala.” Sagot naman niya “Jaiz, I’m just kidding! Of course naaalala ko pa kung sino yun ano. Diba si Lance Chiong? And a good news siya yung----“ putol na sabi ni Joewheen, nakita kasi nito ang kanyang mga kaibigan. “Guys, come here! I’ll introduce you to my sister.” Sabi pa niya at dali-dali namang lumapit ang mga ito “Jaizel, these are my friends. Starting of with, Lance Chiong our new neighbour and I know na kilala mo na siya noon pang high school ka, at ang mga kaibigan niya, si Carlo, Warren, Marky, and Cyon.” Sabi pa ng kanyang Kuya, hindi siya ngumiti sa mga ito. “Jaiz, sorry ha! Napagkamalan kitang katulong sabi pa ni Cyon “Sorry din Jaiz. Promise, hindi na mauulit.” Sabi din ni Lance, “Okey lang yun, mukha naman talaga ako katulong eh. Kuya, maglalakad-lakad muna ako ha, ayaw ko kasing mapaaway o di kaya ay mapag-kamalan ulit na katulong.” Sabi pa niya at naglakad palabas “Jaiz, mag-ingat ka ha! And don’t worry, I won’t spill the bean.” Sabi pa ni Joewheen na tumatawa. Nag-lalakad si Jaizel sa dalampasigan ng may nakita siyang dalawang babae at isang lalaking masayang nag-hahabulan, nilapitan niya ito at tiningnan ang mga mukha pero ni isa sa kanila ay wala siyang nakikilala. Kaya nagpasya siyang makipag-kaibigan sa mga ito. “Hi! Ahhm, bago ba kayo dito? I mean, ngayon ko lang kasi nakita ang mga mukha ninyo, I’ve been spending almost all my afternoons here pero hindi ko pa kayo nakita. By the way, I’m Jaizel, Jaizel Du. Kayo?” sabi pa niya na may ngiti sa kanyang labi. At last sa araw na ito nagawa niya ring ngumiti sa hindi niya kakilala. “I’m Andy, my two sisters Sandy and Sheryl Chiong ang family name namin. Yeah, your right! Bago lang talaga kami dito, a month and a half siguro. But since the first time we stepped here. Palagi na kaming pumupunta dito pero bakit hindi ka naming nakikita?” sabi pa ng lalaking kamukha ni Lance, malakas na ang kanyang loob na kapatid ni Lance ang mga ito dahil noon nalaman niya na apat silang mag-kakapatid, dalawang lalaki at dalawa ring babae. “I spent my vacation somewhere, kaya yun.” Sagot naman niya “Du ka diba? So, siguro kapatid mo si Joewheen. Ikaw ba yung pumuntang Beijing?” tanong pa Sheryl “Yeah, ako yun! I assume kapatid kayo ni Lance? Buti pa kayo alam agad na kapatid ko si Joewheen, habang si Lance ay pinagkamalan akong katulong.” Sabi pa niya na nakangiti, noon lang niya naalala ang mga mukha nila, nakita na niya ang mga ito sa isang magazine na nabili niya noon, nangarap pa nga siya na sana ay maging kaibigan niya ang mga ito para naman mailakad siya kay Lance pero noon yun ngayon ay iba na. Kapitbhay na nila ito, abot kamay na niya ang lalking noon ay pinapanaginip niya. Ngayon na napagpasyahan na niyang kalimutan ito at mag-move on. “Hay naku, ganyan talaga yang si Kuya Lance hindi nag-iisip bago mag-salita, pasensyahan mo na ha? Pero kahit ganoon yun mabait din naman siya, mapagmahal, matalino at higit sa lahat gwapo pa. Halos nga lahat ng babae sa kanilang paaralan may gusto sa kanya. Pero wala namang nagugustuhan si Lance sa kanila. Self-confessed na mahirap siyang magka-gusto sa mga babae.” Sabi pa ni Sandy, “Huh? Bakit mo naman nasabi yon? Teka nga change topic tayo huwag si Kuya ang pag-uusapan natin.” Sabi pa ni Andy, “Jaiz, natural ba talaga sa pamilya ninyo ang pagiging friendly?” tanong pa ni Sheryl “Medyo, bakit mo naman natanong?” sagot naman niya “Wala lang, kasi yung Mom mo ang unang nakipag-kaibigan sa Parents naming tapos saka naman lumapit si Kuya Joewheen para makipag-kaibigan sa amin. Tapos ikaw, ang bait niyo naman sana lahat ng tao pareha ninyo” sabi naman ni Sheryl. Tawa lang ang sinagot niya, nag-kwnetuhan pa sila at nag-yaya ng umuwi. Nalaman ni Jaizel ang dahilan kung bakit ditto na nakatira ang pamilya ni Lance, na lugi pala ang mga negosyo nila at hindi na ganoon kalaki ang kinikita ng parents niya, tanging ang Beach Resort lamang nila Mactan Island ang natira sa kanila kay nag-pasya na silang sa Cebu mamalagi for good. May pag-alalang naramdaman si Jaizel para sa kanyang mga kaibigan pero mas lalo siyang nag-alala para kay Lance, hindi niya alam kung bakit pero ang pagiging parte nito noon sa kanyang buhay ang dinahilan niya sa kanyang sarili.
“Jaiz, may lalakarin ka ba mamaya pagkagaling mo sa school?” tanong pa ni Joewheen, graduating student si Jaizel sa isang unibersidad sa kanilang probinsya sa cursong Business Management, Dean’s Lister siya doon at ibig sabihin ay Scholar siya. Walang binayarang tuition fee ang kanyang mga magulang para sa kanya simula ng nag-high school siya, palagi siyang scholar at may allowance pa galing sa paaralan kaya ang perang dapat sana ay para sa pag-aaral niya, sa bangko mapupunta. “Wala naman, maliban na lamang kung may kailangan akong bilhin sa Mall para sa School bukas, pero sa tingin ko wala naman. Bakit Kuya?” sagot naman niya, “Ako ang susundo sa’yo mamaya, mag-shopping tayo at kakain sa labas” sabi pa ng kanyang kapatid “Ano naman kaya ang nakain mo at nag-yaya kang mag-shopping, pero sige hindi ako tatanggi. The last time na nag-punta ako sa mall ay yung hindi pa ako naka-punta sa Beijing and that’s almost two months. Ayaw ko kasing makakita ng maraming tao, pero dahil ikaw papayag ako.” Sagot naman niya “Sige, pick you up at 5:30.” Sabi pa ni Joewheen at nag-paalam na sila sa isa’t-isa. May sarili silang sasakyan at driver, may personal assistant-secretary si Joewheen habang si Jaizel naman ay may Yaya, pero hindi na niya ito pinasasama sa paaralan niya, nahihiya kasi siyang may sumusunod sa kanya. Alas singko pa lamang ay nag-hahanda na siya, nag-paalam sa kanyang mga kaibigan at pumunta sa Cafeteria para doon hintayin ang kanyang kapatid. “Hi! Ahhm, sabi ng Kuya mo ako na daw ang susundo sa’yo may emergency kasi kaya sinabi niyang tayo na lamang daw ang mamasyal at nag-papabili pala siya ng shirt, kulay blue daw tapos bumili ka rin daw ng kahit ano para sa’yo.” sabi pa ng boses na nanggagaling sa kanyang likuran pag-lingon niya ay nanlaki agad ang kanyang mata ng makita niya si Lance “Huh? Yun ba sinabi niya sa’yo, ako din eh may importanteng meeting na pupuntahan kaya hindi rin ako makaktuloy. Nandito lang ako para mag-merienda tapos babalik na ako sa Classroom.” Sagot naman niya, kumukulo na ang dugo niya, buti na lamang at nakapag-isip siya ng magandang isasagot kung hindi lagot siya. Alam niyang pinlano iyon ng Kuya niya, pero wala siyang planong makasama si Lance dahil away niyang magka-gusto siyang muli ditto, “Ahh ganoon ba, sige hihintayin nalang kita boring kasi sa bahay wala akong magawa, gusto ko ring makabawi sa ginawa ko sa’yo.” Sabi pa ni Lance “Hindi, huwag nalang. Matatagalan ako ng uwi, magpapasundo nalang ako sa driver. Yung ginawa mo sa akin noon? Wala iyon, hindi naman ako pikon eh.” Sagot naman niya na nanginginig “Jaiz, sino yang kasama mo? Akala ko ang Kuya Joewheen mo ang susundo sa’yo, hindi naman yan si Joewheen ahh. Familiar ang mukha niya, OMG! Lance? Lance Chiong? Jaizel, ang daya mo hindi mo kami sinabihan na kaibigan pala kayo ng long time-----“sabi pa ni Izza “Shut up! Please, kaibigan siya ng Kuya ko. Nag-punta siya ditto para sabihing cancelled ang lakad naming ni Kuya at tamang-tama sind kasi diba may meeting pa tayo para sa School Paper?” sabi pa niya na mas lalong nanginginig ang boses “Anong meeting? Wala naman tayong meeting ahh, next week pa iyon ikaw talaga nagka-amnesia na nakita lang si Lance. Hi Lance! I’m Izza, Jaizel’s friend alam mo noon ko pa pinapangarap na makilala ka. Naikwento ka kasi ni Jaizel sa amin noon, mga three years ago pero hindi ko parin nakakalimutan dahil ang gwapo mo nung may ipinakita siyang picture sa akin. Alam mo idol ka niya sa Tennis, she’s a varsity player of Tennis way way back in High School at pati rin ngayong College na siya, isa pa, Taekwondo player din siya Black Belter. Master na siya and also a swimmer and a basketball player. The only weakness that she has in sports is Volleyball.” Sabi pa ng babae, namumula na si Jaizel sa inis. Hindi niya sana gusting malaman pa ito ni Lance pero nangyari na ang dapat mangyari, dapat na lang niyang pigilan sa pag-uusap ang dalawa dahil baka mabulgar pa ni Izza na minsan niyang naging crush ang lalaki. “Kuya, nag-bago isip ko, halika na may bibilhin pa pala ako. Izza, salamat ha! Bye!” hinila na niya si Lance at sumunod naman ito.